Huwebes, Mayo 31, 2012
Bakit masarap at hindi masarap maging bata ???
Namimiss mo na ba ang mga childhood memories mo? Ako? Dati, hindi. Mas ginusto ko pang magmukhang at maging matanda. Yung susundin ka ng mas nakababata sa’yo, utus-utusan mo, papuntahin sa tindahan at bili nang ganito o nang ganyan, kahit wala ka nang pera. Pagalitan ang nakababata sa’yo, kahit pigil ang tawa. Pero sa isang iglap nagbago ang lahat..
Ang mga bata, walang ginawa kundi maglaro ng kung ano-ano. Walang tigil. Mula pag gising, hanggang gabi. Ang mga bata walang iniintindi sa pera, kasi walang pera, walang problema, na kay nanay o tatay lahat binibigay. Pag may ginustong isang bagay, papabili ng laruan, kahit di kailangan, kahit mamahalin, sunod ang layaw. Ngayon, di mo alam kung saan ka kukuha ng pera, tanging baon lang ang pag-asa mo. Minsan wala pa.
Nung mga bata pa tayo, anjan yung diskubre nang diskubre sa mga bagay sa paligid. Tulad nalang ng isara ang ref ng dahan-dahan at tignan kung paano namamatay ang ilaw, at kung malaman mo kung bakit ay paglalaruan na ito at sasabihin sa kasama mo na, “Ay! Walang ilaw oh!” At sasabihin ng kasama mo, “Masisira yan! Wag mo pindutin!” habang ikaw ay magtetengang kawali. Isa pa ang magtalukbong sa kumot at kunyari ay tulog ka na, minsan pa ay maghihilik for better results.
Andiyan din yung pinangarap kong ako lang ang mabubuhay sa mundo, at wala nang iba, at puro pera ka. Ahhhaayy! (Ako nga lang ang mabubuhay eh. Aanhin ko ang pera?!). Pinangarap ko ring magteleport. Yun bang kung gusto ko pumunta sa isang lugar ay kaya ko. Sabi naman ng isang kaibigan ko, kapag nakakapagteleport ka, macocontrol mo din ang oras. Pero, ngayong may isip na ako, alam kong pangarap lang iyon. Pangarap na gawing katotohanan ang mga bagay na hindi mo mararanasan sa tanang buhay mo. Ang sumakay sa kotse ni batman, maging kasing bilis ni flash, magduyan sa mga sapot ni spiderman, maging kasing tibay ni superman (na kahit masapul ng kotse at hampasin ng paddle ayos pa din ang buhok at damit)
--pumapak ng milo
--kunyari dugo ang ketchup
--tinakot ka ng mas nakatatanda sa’yo na ipapahuli ka sa security guard
--magwala kapag pinapatulog pag tanghali
--maglasinglasingan
--(pasintabi sa kumakain habang nagbabasa)kumain ng kulangot
--maglaro sa loob ng kahon
--maniwala kay santa claus, ngaun nalaman kong sila mama pala ang naglalagay
--maglaro sa buhanginan
--paglaruan ang salagubang at salaguinto
--kumanta sa harap ng electric fan
--manuod ng B1 at b2
--akalaing sinusundan ka ng buwan
--takpan ang mata pag nakakakita ng bastos, ngaun~eyes 2x BIGGER
--sumali sa mga parlor games sa mga kids party
--itaob ang tabo sa ulo at hintaying maubos
--gawing ulan ang shower
--pag sa skul, ang sarap ng feeling pag ikaw ang naglilista ng noisy (TIME FOR REVENGE)
--maglagay ng sapin sa likod para di masyadong pawis
--sipsipin ang nectar ng santan
--lumabas ng bahay ng malinis, pumasok ng bahay ng madumi
--maglagay ng tuwalya sa likod sabay sisigaw ng...SUPERMAN!
Pero siyempre nagbabago ang panahon. Ang WEIRD naman kapag ngayon mo gagawin ang mga iyan. Ngayon at matanda ka na, malamang ito ang mga ginagawa mo...
--umalis ng bahay ng walang paalam
--kunyari project yun pala gala
--magipon ng pera at gastusin ito
--magreklamo sa mga utos at iutos ito sa iba
--magfacebook ng hanggang umaga
--magsenti
--manalanging walang pasok o trabaho pero may sweldo dapat
--intindihin ang mga nakababatang kasama at alagaan sila
--nasa iyo ang sisi kapag may ginawang kalokohan ang mga batang kasama mo
Kung pwede lang na mag time travel at ibalik ang mga panahong wala kang iniintindi, maglaro ng maglaro, at makuha lahat ng laruang gusto (ngayon gadgets na). Kung pwede lang...
Ang buhay ng isang bata, ay isang panahon ng pagtuklas ng kaalaman, panahon ng imahinasyong siyang tutupad sa lahat ng kagustuhan, panahon ng walang malisya, at panahon ng pagiging masaya. Hindi mo alam kung hanggang saan at kailan. Pero kung habang buhay kang magpapakabata, walang mangyayari sa'yo. Hindi ka mabubuhay sa imahinasyon lang. Kailangan ay lagi nating iisiping balanse ang mga bagay at hindi palaging nasa ganoon ang kondisyon mo. Wag masanay sa mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay mo. Dahil hindi din naman sa lahat ng problema mo matutulungan ka nito.
Kung ang panahon ay nagbabago, magbago ka na din. Wag na wag kang magmamadali sa panahon, dahil tulad nga nakararami, nagmadali tumanda, andiyan yung maghanap ng bf/gf (Hanap, Usap, Deal), tapos nasaktan, o yan, bata nanaman siya ulit(nagmadali eh) Habang bata, maging masaya ka. Dahil pag tanda mo, 'di mo na maibabalik ang mga panahong iyon.
Miyerkules, Mayo 30, 2012
Isang mapagpalang araw...
Katatapos lang ng first friday mass. Katatapos lang namin mag recess. Next subject ay science. Sana ay medyo napahaba yung homily ni father para walang science na tanging ipinagdadasal ng lahat. Siyete. Nakalimutan ko may assignment pala! Sana di nalang ako tumambay sa canteen at nakitsismis sa mga kaklase ko tungkol sa dota, di ko naman naiintindihan. Sayang ung bawat segundong sinayang ko! Sayang! Nagfacevbook pa kasi kagabi eh. Sana pinaalala ni pareng google na isulat pala kung ilan yung protons, neutrons, electrons, at atomic number ng bawat element sa mahiwagang notebook ng science.
Ano nang gagawin ko?!Naiwan ko pa ung accordion ko sa locker, eh nandoon yung periodic table ko. Tas hiniram yung notebook ko ng mga kaklase ko. Nakalimutan kong sabihing walang sagot yon. (Lagyan nila pwede).Pag minamalas ka nga naman oh. Wala pa si Mam Ana. Sana absent.
Buong section cramming dahil isang periodic table bawat limang estudyante. Ayoko naman makipagsapalaran. Yung iba sarap pa ng upo eh, kala mo walang assignment. Like a boss.
Tinakbo ko yung locker. Wala pala yung susi ko. Naiwan ko sa bahay. Paano na to? Tumakbo ako pabalik ng room. Sana wala pa siya. 15 minutes na wala pa talaga. Kailangan ko nang gamitin ang powers ko. Nanghiram nalang ako ng notebook, hoping na tama yun lahat. Pero, mukang paparating na siya, sabi ng isang lookout. Eh 30 ung kailangan. Wala pa ako sa kalahati. *Tanging Yaman*
Dumating din siya. Late siya ng mga 20 minutes. Mukhang badtrip ata. (Baka wala pang sweldo). Natahimik yung klase namin. Hindi siya nagpakopya ng notes (OYEAH!). Sana di niya maalala yung assignment.
Mga 10 minutes wala siyang kibo. Pati kami, sa di alam na kadahilanan, maaaring takot kaming mamention sa
room dahil on the spot gagawan ka niya ng bansag at pagtatawaan ka ng buong klase.
May napansin siyang kalat sa room namin. Yung mga papel nasa trash bin na pang plastic. Yung mga
plastic nasa papel. Tas may mga balat ng candy na nasa sahig. Walang gusto kumuha, kahit yung malapit dun.
"Asan si cleaner? O kung wala man siya sana isipin niyo na, ay madumi yung lugar na to, linisin ko nga." Wala pa ding kumukuha. Nakatayo at naka-pamewang na siya doon sa tabi ng trash bin. Kunot ang noo. Naiimagine kong may lumalabas na usok sa tenga niya.
"Alam niyo kawawa yung magiging mga anak niyo. Kung ganito ang matatagpuan nila, maduming mundo, tas wala pang maglilinis. Kawawa talaga sila. Pati kayo, kawawa ang mundo niyo." dagdag pa niya.
Alam na! Pag sinimulan niya yung mga salitang yon, Ibig sabihin, 15 minutes ang sermon o kaya mas mahaba pa. Power-trippin' RULES!
Masaya ang lahat ng araw na iyon. Wala kaming ginawa. Nakinig lang sa Homily niya. Masyado na kaming banal
niyan. Kagagaling lang sa misa, misa ulit.
Natapos din ang lahat. Nagbell na. Sabay...
"I think this is more important than knowing the definitions of atom."
Tama! Pero, OK Fine!, Whatever. Basta nakapagpahinga kami. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, at sa isang iglap, nagunaw ang mundo. Gusto ko siyang isumpa. Feeling ko nagsanib pwersa na ang avengers at justice league sa quadrangle, pumutok ang pinatubo, pumutok na din ang pimples sa mukha ng katabi ko na parang tinamaan ng asteroids, bumalik si Ondoy, nagtime travel na at December 21 na. Parating na din ang mga aliens.
"Ok, ipasa po yung mga assignments niyo paharap.",sabi niya na parang sarkastiko ang pagkakasabi. Nang-aasar yata. Nakangiti pa!Muntik pa atang malaglag yung pustiso. Naubos yung liverspread niyang dala dahil ginagawa niya itong lotion. Nauubos na din ang pasensiya ko.
Di ako sanay ng di nagpapasa ng assignments, dahil sa room namin, ako lang ang lalaking palagi nagpapasa ng assignments at projects at ayokong masira yung record na yun. Hindi din dahil sa grade. Gusto ko kasi kumpleto at organized ako palagi, para di naghahabol sa requirements.
Sa buong section, 30 lang ang nagpasa, 50 kami. Incomplete yung mga sagot ko. Bahala na talaga. The day after that day ay lumipas ang araw matapos kahapon kanina ngayon, ewan! Nababaliw na ako sa mga nangyayaring kababalaghan sa mundo ko. Binalik sa amin mga notebook namin. 18/30 ang score ko. Di na masama. Pasado naman. 60% ang average. Aww. Commercial muna. Salamat nga pala doon sa napagkopyahan ko. Kilala mo naman kung sino ka. WAHAHAHA!!!!
Tama siya, na kawawa ang mundo namin, lalo na kapag bwisit ang mga taong makikita mo (hay puro bwisit naman to!). Kaya mula noon ay nangako ako at pinahalagahan ang katagang: "Wag kalimutan ang susi ng locker."
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)