Miyerkules, Mayo 30, 2012

Isang mapagpalang araw...


     Katatapos lang ng first friday mass. Katatapos lang namin mag recess. Next subject ay science.  Sana ay medyo napahaba yung homily ni father para walang science na tanging ipinagdadasal ng lahat. Siyete. Nakalimutan ko may assignment pala! Sana di nalang ako tumambay sa canteen at nakitsismis sa mga kaklase ko tungkol sa dota, di ko naman naiintindihan. Sayang ung bawat segundong sinayang ko! Sayang! Nagfacevbook pa kasi kagabi eh. Sana pinaalala ni pareng google na isulat pala kung ilan yung protons, neutrons, electrons, at atomic number ng bawat element sa mahiwagang notebook ng science.  
       
     Ano nang gagawin ko?!Naiwan ko pa ung accordion ko sa locker, eh nandoon yung periodic table ko. Tas hiniram yung notebook ko ng mga kaklase ko. Nakalimutan kong sabihing walang sagot yon. (Lagyan nila pwede).Pag minamalas ka nga naman oh. Wala pa si Mam Ana. Sana absent.  
       
      Buong section cramming dahil isang periodic table bawat limang estudyante. Ayoko naman makipagsapalaran. Yung iba sarap pa ng upo eh, kala mo walang assignment. Like a boss.  
  
      Tinakbo ko yung locker. Wala pala yung susi ko. Naiwan ko sa bahay. Paano na to? Tumakbo ako pabalik ng room. Sana wala pa siya. 15 minutes na wala pa talaga. Kailangan ko nang gamitin ang powers ko. Nanghiram nalang ako ng notebook, hoping na tama yun lahat. Pero, mukang paparating na siya, sabi ng isang lookout. Eh 30 ung kailangan. Wala pa ako sa kalahati. *Tanging Yaman*  
  
    Dumating din siya. Late siya ng mga 20 minutes. Mukhang badtrip ata. (Baka wala pang sweldo). Natahimik yung klase namin. Hindi siya nagpakopya ng notes (OYEAH!). Sana di niya maalala yung assignment.  
       
  Mga 10 minutes wala siyang kibo. Pati kami, sa di alam na kadahilanan, maaaring takot kaming mamention sa    
room dahil on the spot gagawan ka niya ng bansag at pagtatawaan ka ng buong klase.  
  
     May napansin siyang kalat sa room namin. Yung mga papel nasa trash bin na pang plastic. Yung mga   
plastic nasa papel. Tas may mga balat ng candy na nasa sahig. Walang gusto kumuha, kahit yung malapit dun.  
  
     "Asan si cleaner? O kung wala man siya sana isipin niyo na, ay madumi yung lugar na to, linisin ko nga."  Wala pa ding kumukuha. Nakatayo at naka-pamewang na siya doon sa tabi ng trash bin. Kunot ang noo. Naiimagine kong may lumalabas na usok sa tenga niya.  
  
    "Alam niyo kawawa yung magiging mga anak niyo. Kung ganito ang matatagpuan nila, maduming mundo, tas wala pang maglilinis. Kawawa talaga sila. Pati kayo, kawawa ang mundo niyo." dagdag pa niya.  
  
      Alam na! Pag sinimulan niya yung mga salitang yon, Ibig sabihin, 15 minutes ang sermon o kaya mas mahaba pa. Power-trippin' RULES!  
   
     Masaya ang lahat ng araw na iyon. Wala kaming ginawa. Nakinig lang sa Homily niya. Masyado na kaming banal  
niyan. Kagagaling lang sa misa, misa ulit.  
  
     Natapos din ang lahat. Nagbell na. Sabay...  
  
     "I think this is more important than knowing the definitions of atom."  
  
     Tama! Pero, OK Fine!, Whatever. Basta nakapagpahinga kami. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, at sa isang iglap, nagunaw ang mundo. Gusto ko siyang isumpa. Feeling ko nagsanib pwersa na ang avengers at justice league sa quadrangle, pumutok ang pinatubo, pumutok na din ang pimples sa mukha ng katabi ko na parang tinamaan ng asteroids, bumalik si Ondoy, nagtime travel na at December 21 na. Parating na din ang mga aliens.  
  
     "Ok, ipasa po yung mga assignments niyo paharap.",sabi niya na parang sarkastiko ang pagkakasabi. Nang-aasar yata. Nakangiti pa!Muntik pa atang malaglag yung pustiso. Naubos yung liverspread niyang dala dahil ginagawa niya itong lotion. Nauubos na din ang pasensiya ko.  
  
     Di ako sanay ng di nagpapasa ng assignments, dahil sa room namin, ako lang ang lalaking palagi nagpapasa ng assignments at projects at ayokong masira yung record na yun. Hindi din dahil sa grade. Gusto ko kasi kumpleto at organized ako palagi, para di naghahabol sa requirements.  
  
     Sa buong section, 30 lang ang nagpasa, 50 kami. Incomplete yung mga sagot ko. Bahala na talaga. The day after that day ay lumipas ang araw matapos kahapon kanina ngayon, ewan! Nababaliw na ako sa mga nangyayaring kababalaghan sa mundo ko. Binalik sa amin mga notebook namin. 18/30 ang score ko. Di na masama. Pasado naman. 60% ang average. Aww. Commercial muna. Salamat nga pala doon sa napagkopyahan ko. Kilala mo naman kung sino ka. WAHAHAHA!!!!
  
     Tama siya, na kawawa ang mundo namin, lalo na kapag bwisit ang mga taong makikita mo (hay puro bwisit naman to!).  Kaya mula noon ay nangako ako at pinahalagahan ang katagang: "Wag kalimutan ang susi ng locker."  
  

1 komento:

  1. SlotyCasino.com in Reno, NV - MapYRO
    Find 포항 출장마사지 a complete list of casinos near Sloty Casino.com in Reno, NV. 동두천 출장마사지 Slots at 영천 출장샵 Slotycasino.com, located 경기도 출장샵 at 원주 출장안마 12750 Hwy 24, Reno, Nevada USA.

    TumugonBurahin