Sabado, Hunyo 2, 2012
"Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain!"
My essay for 2012's Nutrition Month...
(Babala.Lalo na sa mga estudyante.STRICTLY.pls.no copy pasting :)
"Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain!"
Bakit NATIN kailangang kumain ng gulay? Sapat na ba ito para sa pangangailangan ng ating katawan at para na ring mapanatili ito sa malusog na kundisyon nito? Ano-ano ang mga benepisyong makukuha natin sa pagkain nito araw-araw? Masosolusyunan ba ang sandamakmak na problema ng bansa kapag araw-araw itong ihahain? Ang sagot? Oo. (habang may nakaambang tanong na bakit? at sa paanong paraan?)
Alam naman ng lahat na ang gulay ay masustansiya pero madaming pa ring mga bata ang ayaw kumain nito. Hindi lang ang mga kabataan, pati na din ang mga matatanda. Bakit? Nangungunang sagot dito ang: Hindi magandang lasa. Ang mga bata ay mahihilig kumain ng mga pagkaing matatamis, maaalat, at junk foods (Nakapagtataka dahil pag titignan ang mga pakete ng mga junk foods ay aprubado ng Department of Health pero dini-discourage ang pagkain ng mga bata rito). Yung mga gulay na ayon nga sa dahilan kung bakit ayaw nila ito ay dahil mapait ang lasa ng ilang uri ng gulay. Kinakailangan pa ng mahabang proseso para masanay silang kainin ito. Maaaring nagkukulang ang mga magulang sa pagsasanay at paghihikayat na kumain ng ganitong uri ng pagkain.
Ayon sa mga nutritionists at dieticians, malaki ang posibilidad ng maging masama ang pangangatawan ng isang tao (hindi lang bata) kapag hindi siya kumakain ng gulay. NAPAKAlaki ng posibilidad at samu’t-saring panganib na magkaroon ang isang tao ng cancer, sakit sa puso, diabetes, blood sugar levels, at ang pasikat na MALNUTRISYON, lalo na ang mga taong mahilig uminom ng alak, manigarilyo, at gawin ilan pang paraan ng bisyo na hindi naman nasusuklian ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.
Hindi ka mamamatay kapag kumain ka ng gulay. MAS papahabain pa nito ang buhay mo sa murang halaga at abot-kaya pa ng mga bitin sa budget. Pwede ding magtanim nito sa inyong mga bakuran sa kanya-kanyang bahay at madali lang ito palaguin. Maaaring isangkap rin ito sa iba’t-ibang rekados ng mga pagkain.
Ano ang solusyon? Simple. Sanayin sila habang maaga pa. Ang mga matatanda ay nararapat na paliwanagan at hikayating kumain ng mga gulay, at di magtatagal ay magugustuhan nila ito at kapag nakagawian na nila ito,ang kumain ng gulay na ihahain araw-araw, magkakaroon sila ng malakas na pangangatawan, at malinaw na pag-iisip, makakapag-aral mabuti, makakapag-isip ng mabuti, makakapagtrabaho ng maayos, mabubuhay ng maayos, walang sagabal, solb ang problema ng bansa. Kung maayos ang pag-iisip, walang mahirap. Lahat may maunlad na buhay.
Mula sa simpleng paghahain at pagkain nito araw-araw, malaking tulong na din yun para sa ikauunlad ng bansa. Sabayan pa ng prutas. Ahhaayy! Tiyak akong masigla sa pag pasok sa eskwelahan ang mga chikiting at masiglang makakapagtrabaho sina nanay at tatay.
Kung maghihintayan tayong may magsisimula ng ganitong tradisyon, isang napakahabang panahon pa ang hihintayin natin para sa pagpanatili ng maayos na pangangatawan ng mga bata at matatanda. Kung sisimulan natin sa sarili nating kaparaanan at ipapauso ang paghahain nito araw-araw ay magiging asal na ng lahat ang kumain nito at di magtatagal, lahat ng taong makakasalubong natin ay masigla at malusog.
Ikaw? Kailan ka magsisimula? Nasimulan mo na ba?
~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-
Follow me on twitter: @baliwako30
Facebook account: http://www.facebook.com/jay.santos30
Lenggwahe ng mga Estudyante
*SOME parts are taken from unlimitedzone.org . (Credit goes to unlimitedzone.org's author)*
Kung may LSS, mayroon namang mga catchphrases o mga salitang mabentang mabenta sa mga kabataang estudyante sa eskwelahan(malamang). Eto yung mga linyang kadalasang sinasabi at nakakasanayan nang sabihin o banggitin ng isang estudyante araw-araw, oras-oras, minu-minuto.
Narito ang ilan lang sa mga nakalap naming mga pamosong linya ng mga estudyante.
" 'Mam/ Sir, naiwan ko po 'yung notbuk (pwede ring bolpen, papel, libro, etc., etc.) ko e...." Ito ang numero unong reklamo ng mga guro. Iyong tipong samu't- saring mga bagay ang naiiwan sa bahay lalo na't kailangang- kailangan sa araw na iyon. Minsan nga, pati utak, naiiwan sa bahay. Buti na nga lang wala tayong mga parte ng katawan na natatanggal......
Siyempre, kasunod na ng 'naiwan' ang 'bukas na lang'. Parang ganito:
"Mam, bukas na lang po, hindi ko pa tapos e"
(Kinabukasan) "Mam, bukas na lang po, naiwan ko e"
(Matapos ang isang buwan) "Mam, ano na nga ho ulit yon?"
Ilang bukas pa kaya ang daraan bago mapasakamay ni mam ang pinakahihintay na kung ano man mula sa atin?
Paalala: “Tomorrow never comes.”
Hindi nalalayo sa katagang 'bukas' ang "Mam, pahiram po ng Ballpen/lapis/gunting/kutsilyo/kaldero/kalan/gas???, tape, papel, (oo at nahihiram na ngayon ang papel at tape)" Galing, di ba? Kulang na lang hiramin pati 'yung bahay at lababo ng titser e. Sana lang 'di ba... konting hiya lang...
Siguro, minsan ay narinig at marahil ay nasabi niyo na rin ang linyang ito kapag may graded recitation o quiz: "Mam, ano po'ng sagot?" Hindi naman kasi dapat itinatanong sa titser kung ano 'yung sagot e.
"Mam, one whole po? crosswise o lengthwise?" Tama, may bago ng mga sukat ang papel ngayon. Hindi lang namin alam kung saan nakakabili ng ganyan. Kung sino man ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang mga papel na ito, maaaring ipagbigay- alam lang sa may kapangyarihan. Nais din naming malaman kung may one fourth ding crosswise o lengthwise.
Minsan, may naiulat na isang mag- aaral na nagnais pumasok sa pahayagan ng eskwelahan (extra-curricular), nang may nagtanong ang editor-in-chief kung ano ang dati niyang posisyon sa pahayagan sa kanyang dating paaralan, walang kagatol- gatol niyang sinabi ang mga katagang nakapagpatindig balahibo sa nagtanong, "Mam, dati po akong cartoons!" Huh?! Sino kaya siya?
Naranasan mo na ba ang makalimot ng isang napakahalagang bagay? Klase kaya, nasubukan mo nang kalimutan? Hindi imposible. May nakagawa na nga niyan! Nang tanungin ng guro kung saan siya nanggaling, ito ang kanyang sagot: "Mam, nakalimutan ko pong may klase tayo."
Hindi lang iyan, marami pang ibang komeding pag- uusap ang maririnig sa tabi- tabi lalo na kapag umuulan. Halimbawa na lang ay................
"Grabe, basa 'yung ulan!!"
"Ayokong buksan 'yung payong ko, baka mabasa e."
"Ay teka, payungan naman natin 'yung bag ko."
"Mabasa na lahat 'wag lang 'yung English notebook ko!!!"
Napapansin niyo ba na mukhang marami ang madalas magkasakit ngayon lalo na sa gitna ng leksiyon? Kapansin- pansing lahat na halos ng sakit ay dumarapo sa estudyante sa iba't- ibang sitwasyon. At di katagalan, maririnig mo na ang linyang ito: "Mam, masakit po ulo/ (tiyan, ngipin) ko.." Lahat na lang sumakit na, pati daliri, kuko, pilikmata, buhok, at kahit polo, sumasakit na ngayon.
Hindi rin makakalampas ang mga kakaibang bigkas ng mga chikiting sa mga salita tulad ng vague (vag- yu), debris (de- brissssss), at Descartes (Desss- car- tessss).
At alam niyo ba na ang Ingles ng delikado ay delicate? Na ang ibig sabihin ng puberty ay kahirapan? Kamakailan nga lamang din ito nalaman. Gets niyo ba?
O, di ba nakakaaliw? Naaalala niyo rin siguro ang mga sari- sarili niyong "bloopers." Siyempre, hindi magiging makulay ang buhay kung wala ang mga ito. Alalahanin lang natin na ang kasobrahan sa mga ito ay hindi na nakakatawa....... Heto ang ilan pa sa mga karaniwang linya ng mga modernong kabataan:
--Uy, penge 1/4
--1 whole na pala
--May ballpen ka?Pahiram!Ung G-Tec
--Sino may ballpen?!!!!!!!!!!!!!!(pasigaw kahit may teacher)
--Katamad magsulat!
--Sulat mo ako notes...Sige na!!!
--Copy and answer mam?Oy copy the answer daw!
--Anu sagot mo sa number _?
--Anong lesson natin kahapon?
--Pakopya!
--Ay!May Homework?! Bat di mo sakin sinabi?
--Walang magpapaalala HA!
--Andyan na si Mam! (TRANSFORM!!)
--Kaantok...Tago mo ako ha!Matutulog muna ako.
--Oy punta tayo mamaya sa ano.
--Uwian na ba?
--Anong oras na?
--May load ka?patext ako!
--Libre mo ako!Softdrinks lang.
--May piso ka?
--Pahiram libro..Naiwan ko yung akin eh..
--Sino may ClayDoh? Peram na din ng suklay.
--May pulbos ka?
--Oy,maputi mukha ko?
--Peram earphones!!
--May salamin ka?
--Ay! May quiz daw? Bahala na si batman.
--Sama ka? DoTA mamaya?
--Aww,haircut inspection pala.
--First Friday Mass mamaya,sana walang _________
--Uy,CR tayo
--ANG INEEETTT!!! YUNG AIRCON NAMAN!!! PENGE KAMI!!! (at oo, libre na aircon at pwede nang hingiin)

Ano ang LSS ?
Hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ka pero nagpupumilit. Sobra. Ang hirap
pigilan. Nakakahiya namang pakawalan. Wrong timing talaga at the wrong place!
Ang baduy talaga kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS. Yun yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan. Earworm ang common term sa ingles ng LSS. Wala kang magawa pag tinamaan ka niyan. Gawin mo na ang gusto mong gawin, di mo pa din matatakasan yan. Tapos na ang soundtripping pero hanggang pag labas ng bahay, pagsakay ng jeep o tricycle, hanggang sa kasama na ang mga kaibigan mo, seryoso sa pagkekwentuhan, tas kanta pa din ng kanta. Pumasok sa school, nagrecess nag-uwian na, wala. Yun pa din ang nasa isip ko (pero bakit ung mga assignments sa school madaling makalimutan?!)
Ang masaklap pa, nageexam kayo tas bigla kang mapapakanta. Minsan mas nakakahiya pa dahil tahimik ang lahat at mapapalakas ang pagkanta mo o pagpito. Special mention nanaman ni mam!O minsan naman eh nakapila kayo sa flag ceremony, CAT, o Scouting, tas biglang kang mapapakanta. Kadalasan pa eh nung araw mo lang na iyon unang napakinggan yon, tas hindi mo alam lyrics, nagiimbento ka nalang. Pwede din namang yung pinakaayaw mong kanta. Nakakahiya pa naman. Parang masisira ang buhay mo pag di ka nakakanta o nakasipol o nakapaghumming man lang ng isang beses sa loob ng isang oras. Tapos pag sa bidyokehan eh di ka makakanta! Hiyang-hiya ka! Huwalanghiya. Sakit ba iyon?!
Sa pagkakaroon ng earworm, pwede ka ring mapahamak sa mga tao sa paligid mo. Tulad nalang ng isang batang pinapagalitan ng magulang. Nang tumalikod yung magulang niya, napakanta siya pero hindi gaanong kalakasan. Nagalit pa lalo sa kaniya yung nanay niya dahil akala ay niya binubulungan siya nito nang pabalang. Kasi naman. Yung kanta na iyon, “Mahirap magpalaki ng magulang”. O yan. Matuto ka na. Pumili ka ng maayos-ayos na kanta.
Posible ding isang paraan 'to ng pagpapahinga ng isang tao (coping mechanism ikanga). Pampakalma pag pagod sa trabaho o galing ng school. Malamang pampakalma din ito ni PNoy pag pagod siya dahil sa sandamakmak na problema ng bansa, napapasipol siya sa kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin habang nanonood sa showbiz balita ni Grace Lee.
"Hey I just met you, and this is crazy, so here's my number, so call me maybe." (Wahaha! Di ko alam ang lyrics, paulit-ulit yan. yang linyang lang ang kinakanta ko.)
Banal na Allowance
Ayon sa mga magulang at mga guro, ang bakasyon daw yung panahon para makapagrelax, makapagpahinga, at magpuyat ng hanggang alas sais ng umaga ang mga estudyante(ayon naman yan sa mga abusadong bata). Pero eto din yung panahon ng paghihirap ng mga kabataan. Excited silang maka pag bakasyon dahil para makapagpahinga at excited din silang pumasok na para sa Banal na Allowance (isa ka din ba dito?depensahan ang sagot). Sabi nga nila, No pasok, no baon. Napatunayan na ito ng mga siyentipiko at mga surveyors, ayon sa akin. Kaya naman piyesta nanaman ng mga estudyanteng tanging ito na lamang ang pag-asa, dahil pag wala ito, di sila papasok.
Heto naman ang isang theme song para sa mga nasabing uri ng mga estudyante. (Nakalap lamang ito sa ibang website, No copyright infringement. All the credit goes to the author of this lyrics)
PASUKAN nanaman oh kay TULIN ng ARAW !
PASUKAN nanaman tila BAKASYON kelan lang !
Ngayon ay pasukan dapat PASALAMATAN
Ngayon ay pasukan tayo ay MAG-AWITAN
BAON !
BAON !
BAON na naman muli
Tanging BAON nating pinaka MIMITHI !
BAON !
BAON !
BAON na naman muli
Ang ALLOWANCE NAGHAHARI !
(WAHH! Wala na akong maisip na matino!Pasensiya na po. Pasensiya na po. Baliw lang)
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)