Sabado, Hunyo 2, 2012
Ano ang LSS ?
Hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ka pero nagpupumilit. Sobra. Ang hirap
pigilan. Nakakahiya namang pakawalan. Wrong timing talaga at the wrong place!
Ang baduy talaga kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS. Yun yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan. Earworm ang common term sa ingles ng LSS. Wala kang magawa pag tinamaan ka niyan. Gawin mo na ang gusto mong gawin, di mo pa din matatakasan yan. Tapos na ang soundtripping pero hanggang pag labas ng bahay, pagsakay ng jeep o tricycle, hanggang sa kasama na ang mga kaibigan mo, seryoso sa pagkekwentuhan, tas kanta pa din ng kanta. Pumasok sa school, nagrecess nag-uwian na, wala. Yun pa din ang nasa isip ko (pero bakit ung mga assignments sa school madaling makalimutan?!)
Ang masaklap pa, nageexam kayo tas bigla kang mapapakanta. Minsan mas nakakahiya pa dahil tahimik ang lahat at mapapalakas ang pagkanta mo o pagpito. Special mention nanaman ni mam!O minsan naman eh nakapila kayo sa flag ceremony, CAT, o Scouting, tas biglang kang mapapakanta. Kadalasan pa eh nung araw mo lang na iyon unang napakinggan yon, tas hindi mo alam lyrics, nagiimbento ka nalang. Pwede din namang yung pinakaayaw mong kanta. Nakakahiya pa naman. Parang masisira ang buhay mo pag di ka nakakanta o nakasipol o nakapaghumming man lang ng isang beses sa loob ng isang oras. Tapos pag sa bidyokehan eh di ka makakanta! Hiyang-hiya ka! Huwalanghiya. Sakit ba iyon?!
Sa pagkakaroon ng earworm, pwede ka ring mapahamak sa mga tao sa paligid mo. Tulad nalang ng isang batang pinapagalitan ng magulang. Nang tumalikod yung magulang niya, napakanta siya pero hindi gaanong kalakasan. Nagalit pa lalo sa kaniya yung nanay niya dahil akala ay niya binubulungan siya nito nang pabalang. Kasi naman. Yung kanta na iyon, “Mahirap magpalaki ng magulang”. O yan. Matuto ka na. Pumili ka ng maayos-ayos na kanta.
Posible ding isang paraan 'to ng pagpapahinga ng isang tao (coping mechanism ikanga). Pampakalma pag pagod sa trabaho o galing ng school. Malamang pampakalma din ito ni PNoy pag pagod siya dahil sa sandamakmak na problema ng bansa, napapasipol siya sa kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin habang nanonood sa showbiz balita ni Grace Lee.
"Hey I just met you, and this is crazy, so here's my number, so call me maybe." (Wahaha! Di ko alam ang lyrics, paulit-ulit yan. yang linyang lang ang kinakanta ko.)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento