Sabado, Hunyo 2, 2012

Banal na Allowance


    Ayon sa mga magulang at mga guro, ang bakasyon daw yung panahon para makapagrelax, makapagpahinga, at magpuyat ng hanggang alas sais ng umaga ang mga estudyante(ayon naman yan sa mga abusadong bata). Pero eto din yung panahon ng paghihirap ng mga kabataan. Excited silang maka pag bakasyon dahil para makapagpahinga at excited din silang pumasok na para sa Banal na Allowance (isa ka din ba dito?depensahan ang sagot). Sabi nga nila, No pasok, no baon. Napatunayan na ito ng mga siyentipiko at mga surveyors, ayon sa akin. Kaya naman piyesta nanaman ng mga estudyanteng tanging ito na lamang ang pag-asa, dahil pag wala ito, di sila papasok. 
  
  
Heto naman ang isang theme song para sa mga nasabing uri ng mga estudyante. (Nakalap lamang ito sa ibang website, No copyright infringement. All the credit goes to the author of this lyrics)
  
PASUKAN nanaman oh kay TULIN ng ARAW !  
PASUKAN nanaman tila BAKASYON kelan lang !  
Ngayon ay pasukan dapat PASALAMATAN  
Ngayon ay pasukan tayo ay MAG-AWITAN  
  
BAON !  
BAON !  
BAON na naman muli  
Tanging BAON nating pinaka MIMITHI !  
  
BAON !  
BAON !  
BAON na naman muli  
Ang ALLOWANCE NAGHAHARI !


(WAHH! Wala na akong maisip na matino!Pasensiya na po. Pasensiya na po. Baliw lang)

1 komento:

  1. Lucky Club Casino Site Review 2021 + 200 Free Spins
    Lucky Club Casino is operated by one of the most trusted operators in the industry. They are owned and operated by the same company. However, the casino luckyclub.live

    TumugonBurahin