Sabado, Hunyo 2, 2012
"Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain!"
My essay for 2012's Nutrition Month...
(Babala.Lalo na sa mga estudyante.STRICTLY.pls.no copy pasting :)
"Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain!"
Bakit NATIN kailangang kumain ng gulay? Sapat na ba ito para sa pangangailangan ng ating katawan at para na ring mapanatili ito sa malusog na kundisyon nito? Ano-ano ang mga benepisyong makukuha natin sa pagkain nito araw-araw? Masosolusyunan ba ang sandamakmak na problema ng bansa kapag araw-araw itong ihahain? Ang sagot? Oo. (habang may nakaambang tanong na bakit? at sa paanong paraan?)
Alam naman ng lahat na ang gulay ay masustansiya pero madaming pa ring mga bata ang ayaw kumain nito. Hindi lang ang mga kabataan, pati na din ang mga matatanda. Bakit? Nangungunang sagot dito ang: Hindi magandang lasa. Ang mga bata ay mahihilig kumain ng mga pagkaing matatamis, maaalat, at junk foods (Nakapagtataka dahil pag titignan ang mga pakete ng mga junk foods ay aprubado ng Department of Health pero dini-discourage ang pagkain ng mga bata rito). Yung mga gulay na ayon nga sa dahilan kung bakit ayaw nila ito ay dahil mapait ang lasa ng ilang uri ng gulay. Kinakailangan pa ng mahabang proseso para masanay silang kainin ito. Maaaring nagkukulang ang mga magulang sa pagsasanay at paghihikayat na kumain ng ganitong uri ng pagkain.
Ayon sa mga nutritionists at dieticians, malaki ang posibilidad ng maging masama ang pangangatawan ng isang tao (hindi lang bata) kapag hindi siya kumakain ng gulay. NAPAKAlaki ng posibilidad at samu’t-saring panganib na magkaroon ang isang tao ng cancer, sakit sa puso, diabetes, blood sugar levels, at ang pasikat na MALNUTRISYON, lalo na ang mga taong mahilig uminom ng alak, manigarilyo, at gawin ilan pang paraan ng bisyo na hindi naman nasusuklian ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.
Hindi ka mamamatay kapag kumain ka ng gulay. MAS papahabain pa nito ang buhay mo sa murang halaga at abot-kaya pa ng mga bitin sa budget. Pwede ding magtanim nito sa inyong mga bakuran sa kanya-kanyang bahay at madali lang ito palaguin. Maaaring isangkap rin ito sa iba’t-ibang rekados ng mga pagkain.
Ano ang solusyon? Simple. Sanayin sila habang maaga pa. Ang mga matatanda ay nararapat na paliwanagan at hikayating kumain ng mga gulay, at di magtatagal ay magugustuhan nila ito at kapag nakagawian na nila ito,ang kumain ng gulay na ihahain araw-araw, magkakaroon sila ng malakas na pangangatawan, at malinaw na pag-iisip, makakapag-aral mabuti, makakapag-isip ng mabuti, makakapagtrabaho ng maayos, mabubuhay ng maayos, walang sagabal, solb ang problema ng bansa. Kung maayos ang pag-iisip, walang mahirap. Lahat may maunlad na buhay.
Mula sa simpleng paghahain at pagkain nito araw-araw, malaking tulong na din yun para sa ikauunlad ng bansa. Sabayan pa ng prutas. Ahhaayy! Tiyak akong masigla sa pag pasok sa eskwelahan ang mga chikiting at masiglang makakapagtrabaho sina nanay at tatay.
Kung maghihintayan tayong may magsisimula ng ganitong tradisyon, isang napakahabang panahon pa ang hihintayin natin para sa pagpanatili ng maayos na pangangatawan ng mga bata at matatanda. Kung sisimulan natin sa sarili nating kaparaanan at ipapauso ang paghahain nito araw-araw ay magiging asal na ng lahat ang kumain nito at di magtatagal, lahat ng taong makakasalubong natin ay masigla at malusog.
Ikaw? Kailan ka magsisimula? Nasimulan mo na ba?
~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-
Follow me on twitter: @baliwako30
Facebook account: http://www.facebook.com/jay.santos30
Lenggwahe ng mga Estudyante
*SOME parts are taken from unlimitedzone.org . (Credit goes to unlimitedzone.org's author)*
Kung may LSS, mayroon namang mga catchphrases o mga salitang mabentang mabenta sa mga kabataang estudyante sa eskwelahan(malamang). Eto yung mga linyang kadalasang sinasabi at nakakasanayan nang sabihin o banggitin ng isang estudyante araw-araw, oras-oras, minu-minuto.
Narito ang ilan lang sa mga nakalap naming mga pamosong linya ng mga estudyante.
" 'Mam/ Sir, naiwan ko po 'yung notbuk (pwede ring bolpen, papel, libro, etc., etc.) ko e...." Ito ang numero unong reklamo ng mga guro. Iyong tipong samu't- saring mga bagay ang naiiwan sa bahay lalo na't kailangang- kailangan sa araw na iyon. Minsan nga, pati utak, naiiwan sa bahay. Buti na nga lang wala tayong mga parte ng katawan na natatanggal......
Siyempre, kasunod na ng 'naiwan' ang 'bukas na lang'. Parang ganito:
"Mam, bukas na lang po, hindi ko pa tapos e"
(Kinabukasan) "Mam, bukas na lang po, naiwan ko e"
(Matapos ang isang buwan) "Mam, ano na nga ho ulit yon?"
Ilang bukas pa kaya ang daraan bago mapasakamay ni mam ang pinakahihintay na kung ano man mula sa atin?
Paalala: “Tomorrow never comes.”
Hindi nalalayo sa katagang 'bukas' ang "Mam, pahiram po ng Ballpen/lapis/gunting/kutsilyo/kaldero/kalan/gas???, tape, papel, (oo at nahihiram na ngayon ang papel at tape)" Galing, di ba? Kulang na lang hiramin pati 'yung bahay at lababo ng titser e. Sana lang 'di ba... konting hiya lang...
Siguro, minsan ay narinig at marahil ay nasabi niyo na rin ang linyang ito kapag may graded recitation o quiz: "Mam, ano po'ng sagot?" Hindi naman kasi dapat itinatanong sa titser kung ano 'yung sagot e.
"Mam, one whole po? crosswise o lengthwise?" Tama, may bago ng mga sukat ang papel ngayon. Hindi lang namin alam kung saan nakakabili ng ganyan. Kung sino man ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang mga papel na ito, maaaring ipagbigay- alam lang sa may kapangyarihan. Nais din naming malaman kung may one fourth ding crosswise o lengthwise.
Minsan, may naiulat na isang mag- aaral na nagnais pumasok sa pahayagan ng eskwelahan (extra-curricular), nang may nagtanong ang editor-in-chief kung ano ang dati niyang posisyon sa pahayagan sa kanyang dating paaralan, walang kagatol- gatol niyang sinabi ang mga katagang nakapagpatindig balahibo sa nagtanong, "Mam, dati po akong cartoons!" Huh?! Sino kaya siya?
Naranasan mo na ba ang makalimot ng isang napakahalagang bagay? Klase kaya, nasubukan mo nang kalimutan? Hindi imposible. May nakagawa na nga niyan! Nang tanungin ng guro kung saan siya nanggaling, ito ang kanyang sagot: "Mam, nakalimutan ko pong may klase tayo."
Hindi lang iyan, marami pang ibang komeding pag- uusap ang maririnig sa tabi- tabi lalo na kapag umuulan. Halimbawa na lang ay................
"Grabe, basa 'yung ulan!!"
"Ayokong buksan 'yung payong ko, baka mabasa e."
"Ay teka, payungan naman natin 'yung bag ko."
"Mabasa na lahat 'wag lang 'yung English notebook ko!!!"
Napapansin niyo ba na mukhang marami ang madalas magkasakit ngayon lalo na sa gitna ng leksiyon? Kapansin- pansing lahat na halos ng sakit ay dumarapo sa estudyante sa iba't- ibang sitwasyon. At di katagalan, maririnig mo na ang linyang ito: "Mam, masakit po ulo/ (tiyan, ngipin) ko.." Lahat na lang sumakit na, pati daliri, kuko, pilikmata, buhok, at kahit polo, sumasakit na ngayon.
Hindi rin makakalampas ang mga kakaibang bigkas ng mga chikiting sa mga salita tulad ng vague (vag- yu), debris (de- brissssss), at Descartes (Desss- car- tessss).
At alam niyo ba na ang Ingles ng delikado ay delicate? Na ang ibig sabihin ng puberty ay kahirapan? Kamakailan nga lamang din ito nalaman. Gets niyo ba?
O, di ba nakakaaliw? Naaalala niyo rin siguro ang mga sari- sarili niyong "bloopers." Siyempre, hindi magiging makulay ang buhay kung wala ang mga ito. Alalahanin lang natin na ang kasobrahan sa mga ito ay hindi na nakakatawa....... Heto ang ilan pa sa mga karaniwang linya ng mga modernong kabataan:
--Uy, penge 1/4
--1 whole na pala
--May ballpen ka?Pahiram!Ung G-Tec
--Sino may ballpen?!!!!!!!!!!!!!!(pasigaw kahit may teacher)
--Katamad magsulat!
--Sulat mo ako notes...Sige na!!!
--Copy and answer mam?Oy copy the answer daw!
--Anu sagot mo sa number _?
--Anong lesson natin kahapon?
--Pakopya!
--Ay!May Homework?! Bat di mo sakin sinabi?
--Walang magpapaalala HA!
--Andyan na si Mam! (TRANSFORM!!)
--Kaantok...Tago mo ako ha!Matutulog muna ako.
--Oy punta tayo mamaya sa ano.
--Uwian na ba?
--Anong oras na?
--May load ka?patext ako!
--Libre mo ako!Softdrinks lang.
--May piso ka?
--Pahiram libro..Naiwan ko yung akin eh..
--Sino may ClayDoh? Peram na din ng suklay.
--May pulbos ka?
--Oy,maputi mukha ko?
--Peram earphones!!
--May salamin ka?
--Ay! May quiz daw? Bahala na si batman.
--Sama ka? DoTA mamaya?
--Aww,haircut inspection pala.
--First Friday Mass mamaya,sana walang _________
--Uy,CR tayo
--ANG INEEETTT!!! YUNG AIRCON NAMAN!!! PENGE KAMI!!! (at oo, libre na aircon at pwede nang hingiin)

Ano ang LSS ?
Hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ka pero nagpupumilit. Sobra. Ang hirap
pigilan. Nakakahiya namang pakawalan. Wrong timing talaga at the wrong place!
Ang baduy talaga kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS. Yun yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan. Earworm ang common term sa ingles ng LSS. Wala kang magawa pag tinamaan ka niyan. Gawin mo na ang gusto mong gawin, di mo pa din matatakasan yan. Tapos na ang soundtripping pero hanggang pag labas ng bahay, pagsakay ng jeep o tricycle, hanggang sa kasama na ang mga kaibigan mo, seryoso sa pagkekwentuhan, tas kanta pa din ng kanta. Pumasok sa school, nagrecess nag-uwian na, wala. Yun pa din ang nasa isip ko (pero bakit ung mga assignments sa school madaling makalimutan?!)
Ang masaklap pa, nageexam kayo tas bigla kang mapapakanta. Minsan mas nakakahiya pa dahil tahimik ang lahat at mapapalakas ang pagkanta mo o pagpito. Special mention nanaman ni mam!O minsan naman eh nakapila kayo sa flag ceremony, CAT, o Scouting, tas biglang kang mapapakanta. Kadalasan pa eh nung araw mo lang na iyon unang napakinggan yon, tas hindi mo alam lyrics, nagiimbento ka nalang. Pwede din namang yung pinakaayaw mong kanta. Nakakahiya pa naman. Parang masisira ang buhay mo pag di ka nakakanta o nakasipol o nakapaghumming man lang ng isang beses sa loob ng isang oras. Tapos pag sa bidyokehan eh di ka makakanta! Hiyang-hiya ka! Huwalanghiya. Sakit ba iyon?!
Sa pagkakaroon ng earworm, pwede ka ring mapahamak sa mga tao sa paligid mo. Tulad nalang ng isang batang pinapagalitan ng magulang. Nang tumalikod yung magulang niya, napakanta siya pero hindi gaanong kalakasan. Nagalit pa lalo sa kaniya yung nanay niya dahil akala ay niya binubulungan siya nito nang pabalang. Kasi naman. Yung kanta na iyon, “Mahirap magpalaki ng magulang”. O yan. Matuto ka na. Pumili ka ng maayos-ayos na kanta.
Posible ding isang paraan 'to ng pagpapahinga ng isang tao (coping mechanism ikanga). Pampakalma pag pagod sa trabaho o galing ng school. Malamang pampakalma din ito ni PNoy pag pagod siya dahil sa sandamakmak na problema ng bansa, napapasipol siya sa kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin habang nanonood sa showbiz balita ni Grace Lee.
"Hey I just met you, and this is crazy, so here's my number, so call me maybe." (Wahaha! Di ko alam ang lyrics, paulit-ulit yan. yang linyang lang ang kinakanta ko.)
Banal na Allowance
Ayon sa mga magulang at mga guro, ang bakasyon daw yung panahon para makapagrelax, makapagpahinga, at magpuyat ng hanggang alas sais ng umaga ang mga estudyante(ayon naman yan sa mga abusadong bata). Pero eto din yung panahon ng paghihirap ng mga kabataan. Excited silang maka pag bakasyon dahil para makapagpahinga at excited din silang pumasok na para sa Banal na Allowance (isa ka din ba dito?depensahan ang sagot). Sabi nga nila, No pasok, no baon. Napatunayan na ito ng mga siyentipiko at mga surveyors, ayon sa akin. Kaya naman piyesta nanaman ng mga estudyanteng tanging ito na lamang ang pag-asa, dahil pag wala ito, di sila papasok.
Heto naman ang isang theme song para sa mga nasabing uri ng mga estudyante. (Nakalap lamang ito sa ibang website, No copyright infringement. All the credit goes to the author of this lyrics)
PASUKAN nanaman oh kay TULIN ng ARAW !
PASUKAN nanaman tila BAKASYON kelan lang !
Ngayon ay pasukan dapat PASALAMATAN
Ngayon ay pasukan tayo ay MAG-AWITAN
BAON !
BAON !
BAON na naman muli
Tanging BAON nating pinaka MIMITHI !
BAON !
BAON !
BAON na naman muli
Ang ALLOWANCE NAGHAHARI !
(WAHH! Wala na akong maisip na matino!Pasensiya na po. Pasensiya na po. Baliw lang)
Huwebes, Mayo 31, 2012
Bakit masarap at hindi masarap maging bata ???
Namimiss mo na ba ang mga childhood memories mo? Ako? Dati, hindi. Mas ginusto ko pang magmukhang at maging matanda. Yung susundin ka ng mas nakababata sa’yo, utus-utusan mo, papuntahin sa tindahan at bili nang ganito o nang ganyan, kahit wala ka nang pera. Pagalitan ang nakababata sa’yo, kahit pigil ang tawa. Pero sa isang iglap nagbago ang lahat..
Ang mga bata, walang ginawa kundi maglaro ng kung ano-ano. Walang tigil. Mula pag gising, hanggang gabi. Ang mga bata walang iniintindi sa pera, kasi walang pera, walang problema, na kay nanay o tatay lahat binibigay. Pag may ginustong isang bagay, papabili ng laruan, kahit di kailangan, kahit mamahalin, sunod ang layaw. Ngayon, di mo alam kung saan ka kukuha ng pera, tanging baon lang ang pag-asa mo. Minsan wala pa.
Nung mga bata pa tayo, anjan yung diskubre nang diskubre sa mga bagay sa paligid. Tulad nalang ng isara ang ref ng dahan-dahan at tignan kung paano namamatay ang ilaw, at kung malaman mo kung bakit ay paglalaruan na ito at sasabihin sa kasama mo na, “Ay! Walang ilaw oh!” At sasabihin ng kasama mo, “Masisira yan! Wag mo pindutin!” habang ikaw ay magtetengang kawali. Isa pa ang magtalukbong sa kumot at kunyari ay tulog ka na, minsan pa ay maghihilik for better results.
Andiyan din yung pinangarap kong ako lang ang mabubuhay sa mundo, at wala nang iba, at puro pera ka. Ahhhaayy! (Ako nga lang ang mabubuhay eh. Aanhin ko ang pera?!). Pinangarap ko ring magteleport. Yun bang kung gusto ko pumunta sa isang lugar ay kaya ko. Sabi naman ng isang kaibigan ko, kapag nakakapagteleport ka, macocontrol mo din ang oras. Pero, ngayong may isip na ako, alam kong pangarap lang iyon. Pangarap na gawing katotohanan ang mga bagay na hindi mo mararanasan sa tanang buhay mo. Ang sumakay sa kotse ni batman, maging kasing bilis ni flash, magduyan sa mga sapot ni spiderman, maging kasing tibay ni superman (na kahit masapul ng kotse at hampasin ng paddle ayos pa din ang buhok at damit)
--pumapak ng milo
--kunyari dugo ang ketchup
--tinakot ka ng mas nakatatanda sa’yo na ipapahuli ka sa security guard
--magwala kapag pinapatulog pag tanghali
--maglasinglasingan
--(pasintabi sa kumakain habang nagbabasa)kumain ng kulangot
--maglaro sa loob ng kahon
--maniwala kay santa claus, ngaun nalaman kong sila mama pala ang naglalagay
--maglaro sa buhanginan
--paglaruan ang salagubang at salaguinto
--kumanta sa harap ng electric fan
--manuod ng B1 at b2
--akalaing sinusundan ka ng buwan
--takpan ang mata pag nakakakita ng bastos, ngaun~eyes 2x BIGGER
--sumali sa mga parlor games sa mga kids party
--itaob ang tabo sa ulo at hintaying maubos
--gawing ulan ang shower
--pag sa skul, ang sarap ng feeling pag ikaw ang naglilista ng noisy (TIME FOR REVENGE)
--maglagay ng sapin sa likod para di masyadong pawis
--sipsipin ang nectar ng santan
--lumabas ng bahay ng malinis, pumasok ng bahay ng madumi
--maglagay ng tuwalya sa likod sabay sisigaw ng...SUPERMAN!
Pero siyempre nagbabago ang panahon. Ang WEIRD naman kapag ngayon mo gagawin ang mga iyan. Ngayon at matanda ka na, malamang ito ang mga ginagawa mo...
--umalis ng bahay ng walang paalam
--kunyari project yun pala gala
--magipon ng pera at gastusin ito
--magreklamo sa mga utos at iutos ito sa iba
--magfacebook ng hanggang umaga
--magsenti
--manalanging walang pasok o trabaho pero may sweldo dapat
--intindihin ang mga nakababatang kasama at alagaan sila
--nasa iyo ang sisi kapag may ginawang kalokohan ang mga batang kasama mo
Kung pwede lang na mag time travel at ibalik ang mga panahong wala kang iniintindi, maglaro ng maglaro, at makuha lahat ng laruang gusto (ngayon gadgets na). Kung pwede lang...
Ang buhay ng isang bata, ay isang panahon ng pagtuklas ng kaalaman, panahon ng imahinasyong siyang tutupad sa lahat ng kagustuhan, panahon ng walang malisya, at panahon ng pagiging masaya. Hindi mo alam kung hanggang saan at kailan. Pero kung habang buhay kang magpapakabata, walang mangyayari sa'yo. Hindi ka mabubuhay sa imahinasyon lang. Kailangan ay lagi nating iisiping balanse ang mga bagay at hindi palaging nasa ganoon ang kondisyon mo. Wag masanay sa mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay mo. Dahil hindi din naman sa lahat ng problema mo matutulungan ka nito.
Kung ang panahon ay nagbabago, magbago ka na din. Wag na wag kang magmamadali sa panahon, dahil tulad nga nakararami, nagmadali tumanda, andiyan yung maghanap ng bf/gf (Hanap, Usap, Deal), tapos nasaktan, o yan, bata nanaman siya ulit(nagmadali eh) Habang bata, maging masaya ka. Dahil pag tanda mo, 'di mo na maibabalik ang mga panahong iyon.
Miyerkules, Mayo 30, 2012
Isang mapagpalang araw...
Katatapos lang ng first friday mass. Katatapos lang namin mag recess. Next subject ay science. Sana ay medyo napahaba yung homily ni father para walang science na tanging ipinagdadasal ng lahat. Siyete. Nakalimutan ko may assignment pala! Sana di nalang ako tumambay sa canteen at nakitsismis sa mga kaklase ko tungkol sa dota, di ko naman naiintindihan. Sayang ung bawat segundong sinayang ko! Sayang! Nagfacevbook pa kasi kagabi eh. Sana pinaalala ni pareng google na isulat pala kung ilan yung protons, neutrons, electrons, at atomic number ng bawat element sa mahiwagang notebook ng science.
Ano nang gagawin ko?!Naiwan ko pa ung accordion ko sa locker, eh nandoon yung periodic table ko. Tas hiniram yung notebook ko ng mga kaklase ko. Nakalimutan kong sabihing walang sagot yon. (Lagyan nila pwede).Pag minamalas ka nga naman oh. Wala pa si Mam Ana. Sana absent.
Buong section cramming dahil isang periodic table bawat limang estudyante. Ayoko naman makipagsapalaran. Yung iba sarap pa ng upo eh, kala mo walang assignment. Like a boss.
Tinakbo ko yung locker. Wala pala yung susi ko. Naiwan ko sa bahay. Paano na to? Tumakbo ako pabalik ng room. Sana wala pa siya. 15 minutes na wala pa talaga. Kailangan ko nang gamitin ang powers ko. Nanghiram nalang ako ng notebook, hoping na tama yun lahat. Pero, mukang paparating na siya, sabi ng isang lookout. Eh 30 ung kailangan. Wala pa ako sa kalahati. *Tanging Yaman*
Dumating din siya. Late siya ng mga 20 minutes. Mukhang badtrip ata. (Baka wala pang sweldo). Natahimik yung klase namin. Hindi siya nagpakopya ng notes (OYEAH!). Sana di niya maalala yung assignment.
Mga 10 minutes wala siyang kibo. Pati kami, sa di alam na kadahilanan, maaaring takot kaming mamention sa
room dahil on the spot gagawan ka niya ng bansag at pagtatawaan ka ng buong klase.
May napansin siyang kalat sa room namin. Yung mga papel nasa trash bin na pang plastic. Yung mga
plastic nasa papel. Tas may mga balat ng candy na nasa sahig. Walang gusto kumuha, kahit yung malapit dun.
"Asan si cleaner? O kung wala man siya sana isipin niyo na, ay madumi yung lugar na to, linisin ko nga." Wala pa ding kumukuha. Nakatayo at naka-pamewang na siya doon sa tabi ng trash bin. Kunot ang noo. Naiimagine kong may lumalabas na usok sa tenga niya.
"Alam niyo kawawa yung magiging mga anak niyo. Kung ganito ang matatagpuan nila, maduming mundo, tas wala pang maglilinis. Kawawa talaga sila. Pati kayo, kawawa ang mundo niyo." dagdag pa niya.
Alam na! Pag sinimulan niya yung mga salitang yon, Ibig sabihin, 15 minutes ang sermon o kaya mas mahaba pa. Power-trippin' RULES!
Masaya ang lahat ng araw na iyon. Wala kaming ginawa. Nakinig lang sa Homily niya. Masyado na kaming banal
niyan. Kagagaling lang sa misa, misa ulit.
Natapos din ang lahat. Nagbell na. Sabay...
"I think this is more important than knowing the definitions of atom."
Tama! Pero, OK Fine!, Whatever. Basta nakapagpahinga kami. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, at sa isang iglap, nagunaw ang mundo. Gusto ko siyang isumpa. Feeling ko nagsanib pwersa na ang avengers at justice league sa quadrangle, pumutok ang pinatubo, pumutok na din ang pimples sa mukha ng katabi ko na parang tinamaan ng asteroids, bumalik si Ondoy, nagtime travel na at December 21 na. Parating na din ang mga aliens.
"Ok, ipasa po yung mga assignments niyo paharap.",sabi niya na parang sarkastiko ang pagkakasabi. Nang-aasar yata. Nakangiti pa!Muntik pa atang malaglag yung pustiso. Naubos yung liverspread niyang dala dahil ginagawa niya itong lotion. Nauubos na din ang pasensiya ko.
Di ako sanay ng di nagpapasa ng assignments, dahil sa room namin, ako lang ang lalaking palagi nagpapasa ng assignments at projects at ayokong masira yung record na yun. Hindi din dahil sa grade. Gusto ko kasi kumpleto at organized ako palagi, para di naghahabol sa requirements.
Sa buong section, 30 lang ang nagpasa, 50 kami. Incomplete yung mga sagot ko. Bahala na talaga. The day after that day ay lumipas ang araw matapos kahapon kanina ngayon, ewan! Nababaliw na ako sa mga nangyayaring kababalaghan sa mundo ko. Binalik sa amin mga notebook namin. 18/30 ang score ko. Di na masama. Pasado naman. 60% ang average. Aww. Commercial muna. Salamat nga pala doon sa napagkopyahan ko. Kilala mo naman kung sino ka. WAHAHAHA!!!!
Tama siya, na kawawa ang mundo namin, lalo na kapag bwisit ang mga taong makikita mo (hay puro bwisit naman to!). Kaya mula noon ay nangako ako at pinahalagahan ang katagang: "Wag kalimutan ang susi ng locker."
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)